#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: ALONA GARAY

alona-3

 

Mother:  Alona Garay

Edad: 29 yo

Bilang ng Anak:  Apat (4)

Baby:  Maximilian Amaris Garay

Birthday:  November 30, 2016

 

 

Q: Ano ang naging karanasan mo sa pagbubuntis sa una mong tatlong anak?

A:   Masuwerte ako dahil hindi gaanong naging mahirap mga pagbubuntis ko. Nag-vitamins ako, folic acid, at gatas para sa buntis.  Sa iba’t ibang pampublikong ospital ako nanganak.  Medyo mahirap lang dahil sa dami ng tao at pasyente, hindi ka nila natututukan.  Tuwing prenatal check-up, halimbawa pupunta ka ng tanghali 1 pm.  Pero makakauwi ka 4 pm na.  Kapag nanganak ka lahat ng gamit bibilhin mo tulad ng gloves, etc.  Lahat iyon pipilahan mo pa, pati sa bayaran pila rin.  Kapag nanganak ka minsan ay tabi-tabi pa kayo ng kama ng ibang nanganak.  Ang daming tao at limitado ang privacy.

Q:  Paano ka napunta sa private lying in at bakit mo napagdesisyunan na dito manganak?

A:  Para sa pang-apat kong baby dapat ay sa isang maliit at pribadong ospital ako manganganak.  Doon na ako nagsimulang magpacheck up at sabi nila nasa Php 25,000 ang gagastusin ko sa panganganak, pero hindi aircon.

Naghanap ako sa Facebook ng lying in sa Quezon City at doon ko nakita ang Safebirth.  Nakita ko ang mga posts at pictures, naisip ko mukhang okay naman. Nabasa ko ang mga comments ng mga nanganak kaya naenganyo akong tumawag.  Ni-refer ako sa pinakamalapit na branch sa Tatalon.

alona-1

Tulad ng ibang ina, isang happy at healthy family ang pangarap ni Mommy Alona

Q:  Ano ang naging karanasan mo sa SafeBirth Lying In Clinic?

A:  Natuwa ako kasi mababait at approachable lahat ng staff, mula sa nurse, midwife at mga doktor.  Bilang ina, bibigyan ka rin nila ng choice kung gusto mo ay sa OB o midwife, basta hindi maselan ang pagbubuntis.  Dahil hindi naman maselan ang pagbubuntis ko midwife ang nagpaanak sa akin, na may OB assistance.  Akala nga namin nung una dahil malaki ang tiyan ko ay kailangan pumunta ospital at baka caesarean.  Pero dahil sa pagtutok ni Midwife Che at paggabay ni Dra. Cristobal nailabas ko ng normal si Baby Max.

Malaking bagay na kausap at katext ko lagi si Midwife Che.  Nung pumutok ang panubigan ko tinext ko lang siya na pupunta na ako ng clinic, at pagdating ko ay nandun na siya kasama ang ibang staff at nag-aabang. Sa pampublikong ospital hindi mo magagawa ‘yon.

alona-4

Happy and healthy SafeBirth Baby Max

Plano ko bumalik para magpa-pedia.  Maganda kasi magpapa-schedule lang at sigurado kang priority ka at hindi na kailangan maghintay nang matagal.  Kapag nakikita ko kasi ang sitwasyon sa center o sa ibang ospital, nagaalangan ako kasi minsan andun rin ang mga matatanda, may ubo at iba pang sakit, halo-halo na.  Naaawa ako sa mga nanay na matagal nakaupo at naghihintay.  Siyempre mas gusto kong safe ang baby ko at hindi rin nasasayang ang oras ko. Kung mababa kasi ang immune system ng baby mo at mahawa siya, doble pag-aalala at gastos pa.

Q:  Mairerekomenda mo ba ito sa ibang nanay na katulad mo?

A:  Sabi nga ng asawa ko kung alam lang namin na may SafeBirth noon, doon na lang sana kami dati pa.   Noong una ayaw pa niya dahil ‘lying in lang’ pero natuwa siya nang makita niya na maliit lang ito pero maayos at malinis, may aircon pa.  At home rin ang pakiramdam namin, parang hindi kami nahihiya.  Nakatutok ang alaga sa iyo at parang ikaw lang ang inaasikaso.

Noong nakaraang Nobyembre nirekomenda ko sa isa naming tenant na subukan sa SafeBirth.  Natuwa siya dahil Php 25 lang ang check-up at puwede pang gamitin ang PhilHealth!  Nitong January nanganak siya at maliit lang ang binayaran niya kumpara sa ospital. Hindi ako napahiya sa aking pag-rekomenda.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s