#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: NURSE TINA TATAD-GUBANTES

tina-1

 

Name: Cristina Tatad-Gubantes (Tina)

Trabaho: Nurse

Bilang ng taon sa trabaho:  4 years

Edad:  31 years old

Bilang ng anak: Isa (1)

Baby:  Krizana Anica Gubantes (2 years old)

 

 

Q:  Paano ka napasok sa pag-aalaga ng mga buntis at ano ang naging karanasan mo?  

A:  Nagsimula ako bilang nurse sa delivery room ng isang public hospital, mahigit isang taon ako doon.  Bilang nurse, nag-assist ako sa mga nagpapaanak na midwife at doktor.  Naging required din kami dumalo ng mga seminar para sa mga buntis, tulad ng breastfeeding at new born screening.  Isang taon akong tumigil dahil October 2014 noong ipinanganak ko si Baby Anica.  Tinutukan ko talaga ang pag-aalaga at  breastfeeding sa kaniya.  Pagbalik ko sa trabaho ay pumasok na ako sa SafeBirth Novaliches.

 

Q: Dahil sa iyong karanasan sa mga buntis at mga seminar, ano ang mga natutunan mo?  Nakatulong ba ito sa iyong pagiging ina?

tina-3

Isang taon nag-exclusive breastfeeding si Tina

A: Pakiramdam kasi ng ibang nanay mas tataba kung formula ang ipapainom.  Pero sa dami ng nanay at sanggol na nakasalamuha at na-interview ko, nakumpara ko ang pagkataba ng isang breastfed at hindi breastfed na baby.  Kadalasan mas siksik sa laman ang mga sanggol ng mga nagpapasuso.

Noong nanganak ako, kumbinsido akong mag-exclusively breastfeed ng isang taon.  May mga halos kasabayan rin akong nanganak noon, at sa paglipas ng panahon napansin ko na mas advanced ang development ng anak ko.  Apat na buwan siya nang makadapa, at nauna siyang matutong maglakad kaysa sa iba.  Mabilis niya ring natutunan ang mga salitang Mama at Papa.  Napansin kong napaka-takaw ng ibang baby sa formula milk, pero sakto lang kung dumede si Baby Anica.  Dahil rin sa Lactation Seminar sa SafeBirth, natutunan ko na maaari ko na siyang pakainin ng soft foods kapag 1 year old na siya.  Nagma-mash ako ng sayote, carrots, patatas at kaunting isda minsan.  Naging maganda ang pagtaas ng kaniyang timbang at lagi siyang masaya.

Ngayon kapag magkakasakit siya, pinapa-breastfeed ko siya at mabilis siyang gumagaling.  Sabi nga nila ay may antibiotics ang gatas ng ina.  Nakikita ko rin sa kaniya na may comfort siyang nakukuha kapag pinapasuso ko.

Q:  Bilang nurse sa SafeBirth paano mo ibinabahagi ang iyong kaalaman sa ibang buntis?

anica-collage-2

Mula noon hanggang ngayon, happy baby si Anica.

A:  Kinikuwento ko sa kanila ang mga karanasan ko.  Lahat ng natutunan sa breasfeeding seminar ay totoo pala.  Minsan kapag may mga pasyente na nagpapasuso at gumagamit ng formula, pinag-uusap ko sila tungkol sa kanilang mga karanasan.  Maganda dahil nakukumbinseng mag-breastfeed ang ibang mga gumagamit ng formula.  Hindi lahat, pero mas okay nang sumubok.

Mabilis kasi ma-discourage ang ibang ina.  Kailangan talagang tiyagain dahil masakit talaga at kung minsan ay magsusugat pa.  Alamin ang tamang posisyon, dahil makakatulong ito ng malaki sa inyong pagpapasuso.  Isipin na lang nila na ito ay para kay baby.  Isipin ang mga long-term na epekto.

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s