#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Grace Benaid

2

Mother:  Grace Benaid

Edad: 24 years old

Bilang ng Anak:  Isa

Baby:  Ania Sadie Abedes

Birthday:  January 12, 2017

 Q: Paano ka nahikayat na mag-attend ng Breastfeeding Seminar at anu-ano ang mga natutunan mo rito?

A:   Simula pa lang inimpluwensyahan na ako ng kapatid ng partner ko tungkol sa benefits ng exclusive breastfeeding.  Mas masustansiya ito, nagkakaroon ng mas malalim na bonding kay baby, at malaki ang matitipid.  Kung mamahaling formula ay aabutin ng limang libo sa isang buwan ang gagastusin sa gatas!

grace-collage

Habang hinihintay ang paglabas ni Baby Ania, dumalo ng Secrets to A Joyful Breastfeeding seminar si Mommy Grace

Nag-attend ako ng Secrets To A Joyful Breastfeeding ni Ms. Nona Andaya-Castillo (SafeBirth Seminar series).  Nalaman ko ang downside kapag formula; hindi talaga ito ang ‘best’ tulad ng breastfeeding.  Nagkaroon rin ng practical tips.  Marami raw kasing nanay ang nagaakala na wala silang gatas, pero ayon kay Nanay Nona maaaring mahirap lang itong palabasin sa umpisa. Mayroong gatas halos lahat ng ina at kailangan lang tiyagain.  Ito ang naalala ko noong nahirapan akong mag-breastfeed pagka-panganak.

Q:  Anong pagsubok ang kinaharap mo sa breastfeeding pagkapanganak?

A:  Noong unang dalawang araw ayaw talaga mag-latch ng baby ko.  Iyak lang siya ng iyak.  Naghalo na ang stress ko dahil sa sakit dahil caesarean ako plus ‘yung frustration na hindi ko siya mapadede.  Buti na lang suportado kami ng kapatid ng partner ko na nagbre-breastfeed rin.  Siya ang nagbibigay ng gatas kay baby noong una.  Ang kaso hindi naman siya laging available.

 

new

Mensahe ng pasasalamat ni Mommy Grace para kay Nanay Nona

Q:  Anong ginawa mo? May tips ba mula sa seminar na nakatulong sa iyong problema sa breastfeeding?

A:  Inalala ko ang tip ni Nanay Nona tungkol sa skin-to-skin contact.  Nakapatong lang sa akin si baby habang nakahiga.  Sabi kasi ay makakatulong itong magpakalma, dahil naririnig niya ang tibok ng puso ni nanay.  Nagkakaroon ng kaparehong environment dahil ‘yun rin daw ang naririnig niya habang nasa sinapupunan pa.

Muntik na akong  mag-give up at nagpapabili na ako ng formula milk noong pangalawang gabi.  Naiiyak na ako dahil alam kong gutom na gutom na siya.  Salamat na lang at nag-latch siya sa wakas!  Sobrang saya ko kasi kampante na ako na magagawa kong mag-exclusive breastfeeding.  Iyon talaga ang goal namin.

 

baby-2

Happy and healthy Baby Ania

Q:  Ano ang maipapayo mo sa first time mommies na katulad mo?

A:  Siyempre dahil first time mayroong fear of the unknown. Maghanda at pataasin ang kaalaman tungkol sa pagbubuntis. Maaaring mag-attend ng mga seminar mula sa mga eksperto.  Panay rin ang Google ko noon.  Maraming website ang nagbibigay ng advice, at may mga applications na makakatulong sa pagbubuntis.  Siguraduhin lang na iko-konsulta niyo rin sa inyong midwife o doktor ang mga nababasa niyo bago gawin para maging ligtas.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s