#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: DR. DUBHE GREGANA-JADJULI

dr-jadjuli-1aName: Dr. Dubhe Gregana-Jadjuli

Trabaho: OBGYN (obstetrician-gynecologist)

Bilang ng taon sa trabaho:  4 years (as OB)

Edad:  34 years old

Bilang ng anak: Dalawa (2)

 

 Q:  Bilang nanay ng dalawang anak at bilang isang ob-gyne, paano niyo binabalanse ang trabaho at pamilya?

A:  Dahil maliliit pa sila minsan ayaw nila akong paalisin kapag may emergency, lalo na kapag gabi na.  Madalas pa nga ay kailangan magpaanak ng madaling araw.  Kung kakayanin pa ng oras, papatulugin ko muna sila at saka aalis.  Pero kapag kailangan na talaga, wala akong choice kung hindi pumunta sa ospital o lying-in.  Buhay ng pasyente at ng kaniyang magiging anak ang nakasalalay kaya kailangan itong gawing prayoridad.  Bumabawi ako sa kanila kapag nasa bahay ako, at sinisigurado kong gagampanan ko ang Mommy duties.

Napupuyat talaga ako at napapagod pero kailangan hanapan ng paraan.  Malaking bagay na nakaalalay sa akin ang aking asawa at isang kasambahay na nakatutok sa kanila.

dr-jadjuli-4

Dr. Jadjuli with first baby Amier

Q: Masasabi niyo po bang mas matimbang ang isang gampanin ninyo kaysa sa isa?

A:  Hindi maaaring ikumpara ang pagiging doktor at pagiging ina.  Pareho silang mahalaga at dapat na prayoridad.  Kung nanaisin ay magagawan ito ng paraan para mabalanse.  Minsan kung mas maluwag, ay naisasama ko sila sa trabaho basta kasama rin ang tagapangalaga nila.

Nakatulong rin ang pagiging doktor ko sa pagiging ina.  Dahil may background ako sa medisina, alam ko na minsan kung may problema sa kanilang kalusugan.  Bago pa man lumala ang nararamdaman nila ay naaagapan.  Kumpleto rin sila ng bakuna at check-up sa paediatrician.  Sa ganitong paraan ay nababawasan ang aking inaalala bilang isang ina.

Q: Ano ang inyong nararamdaman na naipagsasabay niyo ang dalawa niyong tungkulin?

dr-jadjuli-2

Dr. Jadjuli with children Amier and Khanza

A:  Malaki ang fulfillment ng pagiging ina.  Pati na rin ang pagiging ob-gyne at pagtulong sa ibang mga ina.  Kaya kahit nakakapagod talaga at nakakaubos ng oras, masaya ako na nagagampanan ko ang dalawang roles na ito.  Mahirap pero kailangan lang ayusin ang schedule.  Wala dapat ma-compromise o malagay sa alanganin sa family at practice.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s