#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: NURSE LORMIE AGAMATA-CAMPOS

lormie-profile

 

Name: Lormie Agamata-Campos (Lorms)

Trabaho: Nurse/ Clinic Supervisor

Bilang ng taon sa trabaho:  6 years

Edad:  25 years old

Bilang ng anak: Isa (1)

 

 

Q:  Paano ka napasok bilang isang nurse sa lying in, at ano ang gampanin ng isang nurse sa isang lying in?

A:  Nagsimula ako bilang isang private o homecare nurse noong 2011.  Mula 2013 hanggang 2014 nagtrabaho ako sa pribadong ospital, at sa Delivery Room at OB-Gyne Department ako na-aasign.  Noong 2014 nirekomenda ako ng tita ko sa SafeBirth Lying In Clinic na magbubukas pa lang noon, at kinuha ko naman ang pagkakataon.

Malawak ang saklaw ng aming gampanin bilang nurse sa SafeBirth. Kami ang unang humaharap sa mga pasyente.  Kami ang taga-kuha ng vital signs, taga-follow up, tagapagpaalala sa mga pasyente tungkol sa mga kailangan nilang gawin, atbp.  Bukod sa pagpapaliwanang ng mga proseso, nagsisilbi na rin kaming health educator sa mga pasyente.  Kapag may mangananak kami naman ang nag-a-assist sa doktor o midwife.

Q: Ano ang mga natutunan mo sa pagiging nurse ng isang pasilidad na nag-aalaga ng mga buntis?

A:  Kailangang  matutong mag-adapt depende sa kung saan ang kung ano ang estado ng pasilidad.  Halimbawa dati sa pribadong ospital, naka-package na lahat ng serbisyo ng panganganak, kasama ang kagamitan.  Pero lahat ay may bayad at mas mahal ito kaysa sa iba.

Malaking bagay ang PhilHealth para sa mga paanakan sa komunidad, kung saan mas abot-kaya ang panganganak.  Pero may ilang mga gamit at serbisyo na hindi nito sakop, na kailangan pa rin paghandaan ng mga ina.  Magugulat na lang kami na minsan kahit na magbigay ng paalala ay darating pa rin ang isang manganganak na ina na walang dalang napkin, bonnet o lampin. Nakaatang ngayon sa aming mga tagapag-alaga ang maging maabilidad at resourceful; kung paano namin magagawan ng paraan ang kakulangan nila sa gamit.

Hindi pala basta basta ang pagbubuntis.  Dapat lahat ng posibilidad ay maisip mo.  Paano kung magkaroon ng kumplikasyon?  Paano kung kailangan ilipat ng ospital?  Ano ba ang karagdagang gastos?  Marami palang kailangan paghandaan ang isang buntis, at hindi lahat dapat ay iasa sa kaniyang doktor or midwife, o sa clinic o ospital na pagpapaanakan.

image

Ultrasound ng first-time mommy na si Nurse Lormie

Q: Paano mo nagamit ang mga natutunan mo sa iyong unang pagbubuntis?

A:  Dahil nabuksan na ang isip ko sa lahat ng posibilidad, alam ko na ang paghahandang kailangan kong gawin.  Kahit na sagot ng Philhealth at ng HMO (Health Maintenance Organization) ang panganganak ko, bawat buwan ay nagtatabi pa rin ako ng pera kung sakaling mangyari ang mga hindi inaasahan sa aking panganganak.  Dapat may plan A, B, at C para kung may kumplikasyon na hindi covered o sakop ay handa pa rin ako.  Ang mga planong ito sinasabi ko rin sa aking asawa at OB para alam nang lahat ang gagawin pagdating ng oras.

Hindi tulad ng iba, wala rin akong kaba sa una kong panganganak.  Dahil nakita ko na ang lahat, alam kong makakaraos at magiging ayos ang lahat basta’t lisensyadong doktor, o skilled birth attendant ang magpapaanak sa buntis.  Sobrang relaxed at kampante lang ako sa pagle-labor hanggang sa manganak.

lormie-baby

Nurse Lormie and Baby Vincent

Q: Ano ang maipapayo mo sa mga first-time nanay na katulad mo?

A:  Maging handa.  Huwag maging kampante at huwag iasa sa iba ang lahat.  Ang mga nanay ay dapat maging responsable sa sarili nilang pagbubuntis.  Alamin kung ano ang mga gamit na kakailanganin.  Dapat ay may back-up plan at nakahanda ang suportang pinansiyal.  Mag-ipon kahit pakonti-konti, para siguradong walang aberya anuman ang mangyari.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s