#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: Midwife Malou Cabang

malou-4

 

Name: Marilou Cabang (Malou)

Edad:  48 years old

Trabaho: Midwife

Bilang ng taon sa trabaho:  29 years

Babies delivered in 2016:  60 babies (estimate)

 

 Q:  Sa tagal niyo bilang midwife, may karanasan ba kayong hindi malilimutan sa pagpapaanak?

A:  Tuwing first Friday nagsisimba ako sa Quiapo.  Lagi kong tinitiyak na wala akong EDC (Expected date of confinement) o inaasahang pasyente na manganganak kapag aalis ako.  Nakatala kasi ito sa para sa lahat ng pasyente, para maging handa sa panahon ng kapanganakan.  Nasa Quiapo na ako nang biglaang may nag text at tumatawag.  Ang isang pasyente ko ay nasa clinic na sa Quezon City at manganganak na raw!

malou1

Midwife Malou kasama ang pasyente matapos magpaanak

 

Q: Ano ang ginawa niyo sa emergency na ito?

A:  Dali-dali akong sumakay ng FX.  Tinawagan ko rin ang kasamahan kong midwife na si Ate Myrna na malapit sa clinic nakatira para puntahan ang pasyente.  Kaso lang ang sabi niya ay nasa sementeryo siya! Dahil patigil-tigil ang FX para kumuha ng pasahero, naisip kong bayaran na lang ang mga upuang walang nakaupo para mas mabilis kaming makarating sa Quezon City.  Mga limang upuan ‘yon.  Grabe ang kaba ko sa FX, tumatawag ako sa nurse para mag-abiso kung ano ang dapat na gawin sa pasyente. Pinakuha ko na ang vital signs para masiguradong normal at handa ang lahat para sa pagpapaaanak.

Sa awa ng Diyos nakarating ako agad ng clinic.  Maya-maya pati si Ate Myrna ay dumating rin.  Nag-alala rin daw siya kaya umalis siya ng sementeryo.  Napaanak namin ng maayos at matiwasay ang pasyente.  Dumating rin ang pediatrician para i-tsek ang bata, pati na ang isang OB namin para tignan ang lagay ng nanay.

malou3

Mommy at Baby nagbabalik matapos ang ilang buwan

 

Q: Ano po ang naramdaman niyo sa pangyayaring ito?

A:  Noong una ay abot-langit ang pag-aalala ko.  Karaniwan kasi sa mga pasyente ay nagte-text kahit may konting nararamdaman lang, dahil iyon din ang paalaala ko sa kanila.

Napaaga ng ilang linggo ang delivery niya, pero sobrang saya ko nang mairaos ang pagpapaanak na iyon.  Sobrang saya.  Pakiramdam ko nakasalba na naman ako ng dalawang buhay. Kahit anong hirap at pagod ng pagiging midwife, o kahit minsan ay puyatan pa, napapawi kapag nakita mo na ang nanay ay nakaraos sa hirap ng panganganak.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s