#ITOANGSAFEMOTHERHOODSTORYKO: MIDWIFE ELVIRA MEDINA

elvie2

Name: Elvira Medina (Elvie)

Edad:  40 years old

Trabaho: Midwife

Bilang ng taon sa trabaho:  20 years

Babies delivered in 2016:  100 babies (estimate)

 

Q:  Sa tagal ninyong midwife may mga ina bang pabalik-balik sa inyo?

A:  Mayroon akong pasyente, 17 years old siya noong una siyang nanganak.  Anim na ang anak niya ngayon, at sa akin pa rin siya nagpupunta.  Tatlo sa anim niyang anak, sa akin ang delivery.  Ang iba kasi ay caesarean na, at kapag ganon dapat ay OB na ang nagpapaanak.  Pero sa pagpapacheck-up ako pa rin ang kaniyang pinupuntahan.

Q: Sa palagay niyo, bakit kayo po ang binabalik-balikan ng pasyenteng ito?

elvie3

 

Check-up ng isa sa mga pasyente ni Midwife Elvie

 

A:  Una indigent po siya, minsan-minsan nakakapagtinda ng ulam o pansit at ang asawa naman niya ay hindi regular ang trabaho.  Dahil sa nagtitipdid sila at ako po ay nagpapaanak sa mga pasilidad na may PhilHealth, tulad ng private lying in at public hospital alam niya pong mas makakamura siya.

Pangalawa dahil po siguro ako ay nagtratabaho sa mga lying in at public hospital, alam niyang kaya kong gawan ng paraan anuman ang mangyari.  Isang beses ay mula sa lying in ay itinakbo namin siya sa ospital na aking pinagtratrabahuhan.  Ako ang nag-asikaso lahat, mula sa ambulansiyang maglilipat sa kaniya, sa pagkausap sa mg doktor at OB sa ospital, sa pag-aayos ng gamit, hanggang sa pag-askikaso ng kaniyang blood transfusion dahil kinailangan niya noon. Dahil sa pangyayaring ‘yon nabuo ang tiwala niya sa akin. Kampante na siyang magiging ligtas siya at ang kaniyang mga anak.

Q: Ano po ang naramdaman niyo sa ganitong pagtitiwala inyo?

A:  Napakasaya ko.  Talagang nakakagaan sa pakiramdam ng isang midwife na balik-balikan ng isang pasyente. Nagiging kaibigan ko na rin sila, na kapag nagpapa-check up parang nagkwe-kwentuhan lang. Ngayon dahil sa aking payo, nagpatali (Bilateral Tubal Ligation) na ang pasyente kong iyon, dahil delikado na kung mangananak pa siya ng pampitong beses sa kaniyang edad.

elvie1

 

Pagbabahagi ng kaalaman sa mga buntis

 

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s