#ItoAngSafeMotherhoodStoryKo: Marivel Casañas

_ens0275

 

Mother:  Marivel Casañas

Edad: 33 yo

Bilang ng Anak:  Tatlo

Baby:  Rhazela Mhara Casañas

Birthday:  September 24, 2016

 

 

 

 

Q:  Sino ang nagimpluwensiya sa’yo para mag-breastfeed?

A:  Pinalaki kaming walong magkakapatid sa Butuan, Mindanao.  Lahat kaming magkakapatid pinasuso ng nanay ko, dahil sa probinsya noon walang nagfo-formula at kung mayroon man ay hindi namin afford.  Sa aming walo walang naging sakitin at lahat kami ay lumaking maayos at malusog.

Sa pagtanda ko natutunan ko mula sa iba na talagang mas mabuti mag-breastfeed.  Sabi nila puno ito ng bitamina at gamot ito sa sakit ng bata.  Sabi rin nila na kapag pinainom mo ng formula ang anak mo ay parang pinainom mo siya ng gatas ng hayop.  Wala naman akong problema sa pagpapasuso, kaya mas mabuti nang gatas ng ina ang ipakain sa mga anak ko kaysa iba pa.

img_5510

 

Si Marivel kasama ang ibang SafeBirth Mommies na nagpapasuso

 

Q:  Ano ang naging epekto ng breastfeeding sa tatlo mong anak?

A:  Walang sakitin sa tatlo kong anak.  Malulusog sila at kung magkaroon man ng ubo o sinat mabilis silang gumaling.  Nadadaan sa pahinga at maraming tubig kapag tinatamaan sila ng sakit.  Sa paaralan wala silang problema at palaging nasa top!  Mabilis nilang naiintindihan ang mga tinuturo. Nakakatuwa kasi talagang napakaganda ng pagpapasuso.  Wala ka pang gastos.

 

Q:  Paano nakatulong ang iyong paanakan sa iyong pagpapasuso?

2-breastfeeding
Safebirth poster

A:  First time ko sa private at natuwa ako na bukod sa malinis at maayos, ay nagamit ko ang PhilHealth sa SafeBIrth.  Welcome na welcome ang pakiramdam ko sa mga nurse at midwife.

Tinuro nila na ang unang lumalabas na gatas na naninilaw (colostrum) ay napakasustansiya.  Maganda ito para kay baby para hindi maging sakitin.  May mga poster rin tungkol sa breastfeeding na nakapaskil sa clinic.  Laging nagpapaalala ang OB na magpacheck-up para walang problema. Maging ang ibang nanay, hinihikayat rin nilang mag-breastfeed.

Nagpayo sila na para dumami ang gatas kumain ng isda, tahong at malunggay.  Maganda ang naging epekto sa akin ng malunggay at lahat ng ulam ko lalo na ‘yung may sabaw ay sinasahugan ko nito.

 

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s