Pregnancy Stories

#ItoAngSafeMotherhoodStoryKo : Raquel Lelis

img_5907Mother:  Raquel Lelis

Edad:  25 yo

Bilang ng anak:  Tatlo

Baby:  Nathaniel Eran

Birthdate: September 29, 2016

 

 

Q1:  Kamusta ang naging pagbubuntis mo kay Baby Nathaniel?  May mga naging pagsubok ba sa iyong pagbubuntis?

A:  Noong una ay sa health center ako nagpapa-check up.  Sinabihan ako ng ate ko na subukan ang SafeBirth dahil maganda, malinis at tumatanggap ng PhilHealth.  Ika-walong buwan ko na nang ituloy ang prenatal sa SafeBirth.  Naging maselan ang pangatlong pagbubuntis ko.  Laging naninigas at sumasakit ang tiyan ko, kahit habang naglalakad. Maliit rin ang tiyan ko para sa walong buwan.

Q2:  Paano mo hinarap ang mga pagsubok na ito?

A: Sinunod ko ang bilin ng aking midwife.  Hatid-sundo ko ang panganay ko, pero sa pangwalong buwan ay pinapahinga niya ako.  Sa tulong ng aking midwife, iba’t ibang laboratory tests ang ginawa sa akin, kasama na ang ultrasound.  Dito nadiskubre na ako ay nagkakaroon ng pre-term labor due to infection.  Niresetahan ako ng OB ng gamot at ng mga vitamins para mas maging malusog ako at ang baby sa tiyan ko.

img_5921
Mommy Raquel with baby Nathaniel and Midwife Malou

Q3:  Paano nakatulong ang pagpapa-prenatal check-up sa iyo?

A:  Maganda ang karanasan ko sa prenatal check up.  Linggo-linggo tinetext ako ng midwife at kinakamusta.  Laging sumasakit ang tiyan ko, at anytime puwede ko siyang i-text para magtanong.  Sa iba kasi, kapa-kapa lang.  Dito may nag-aasikaso, may natatanungan.  Naging linggo-linggo ang check up ko dahil nga maselan.  Walang kumplikasyon at naging maayos hanggang panganganak ko.  Healthy ako at si baby.  Siya pa nga ang pinakamalaki sa tatlo kong anak. Sobrang lakas rin mag-breastfeed.

 

Q4:  Kung may maipapayo ka sa ibang buntis o sa mga balak pa lang mag-anak, ano ito?

A:  Maganda magpa-prenatal check up para makita kung okay ang lahat.  Made-desisyunan mo ang sarili mong katawan. Pati na ang mga injection na kailangan sa pagbubuntis.  May kilala akong hindi nagpapa-check up, paglabas ng anak nagiging sakitin.  Mahina ang baga ng baby.  Magpa-check up para maiwasan ito.img_5938

May Safe Motherhood Story ka ba na nais mong ibahagi?

Maaaring bisitahin ang aming Facebook page at i-message kami para ibahagi ang iyong karanasan.

Leave a Reply