Maraming pagbabago ang nararanasan ng isang babae sa panahon ng kanyang pagbubuntis. Bukod sa pagpapatingin sa midwife o doctor, dapat isinasama din natin ang pangangalaga sa bibig at ngipin.
Dahil sa mga hormonal level changes, ang ating mga bibig mommies ay nagiging malapit sa bacteria, tooth decay at plaque na maaaring sanhi ng pagkasira ng ngipin. Kung ano ang nararamdaman ng isang nagbubuntis ay nakakaapekto din sa kanilang sanggol. Importanteng alagaang mabuti ang ating mga bibig at ngipin upang maiwasan din ang gum disease na periodontal disease.
Ang periodontal disease ay isang gum disease na maaaring makaapekto sa development ni baby at makakapagdulot ng panganib ng premature o low birth weight . Para panatilihing malusog at malinis lagi ang ating bibig at ngipin, ugaliing gawin ang mga sumusunod:
- Pagsisipilyo 2 to 3 beses sa isang araw
- Paggamit ng dental floss pagkatapos kumain
- Pagmumog gamit ang mouth wash
- Regular na pagpapatingin at pagpapalinis ng ngipin sa dentista
- Kumain ng mayaman sa calcium, B12 at vitamin C
Tandaan, kasama din sa malusog na pangangatawan ang malusog at malinis na bibig at ngipin. Ingatan natin ito lalo na sa First 1000 days ninyo ni baby.
Abangan ang iba pang article sa pangangalaga sa sarili sa First 1000 days.
#Batang1000articles
Source: www.dentalasssociate.com