Noong September 5, isang 45 taong gulang na ginang mula sa Iloilo ay naging positibo sa Zika virus. Ito ay tinatayang pang-anim na naiulat na insidente dito sa Pilipinas, at dahil dito binabantayan ng DOH ang mga kaso ng Zika virus sa ating bansa.
Ang Zika virus disease ay nagmula sa isang mikrobyo na maaring kumalat sa pamamagitan ng isang kagat ng lamok na tinatawag na Aedes mosquitoes. Ang lamok na ito ay kadalasang nangangagat tuwing umaga at hapon. Ito din ang parehong lamok na nagdadala ng dengue, chikungunya at yellow fever. Ang Zika virus ay sinasabing maari ding makuha sa pamamagitan ng sexual transmission.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Zika virus ay maaaring maipasa ng nagbubuntis sa kanyang anak habang nasa sinapupunan. Ito ay maaring magdulot ng birth defects tulad ng microcephaly kung saan ang ulo ng isang sanggol ay mas maliit sa normal na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa utak (brain damage) at maaring ikamatay ng sanggol sa sinapupunan. Sa mga hindi buntis, maari din itong magdulot ng Guillain-Barre Syndrome, isang hindi pangkaraniwang sakit sa nervous system kung saan ang immune system ng isang tao ang mismong pumipinsala sa mga nerve cells nito na nagiging sanhi ng panghihina ng mga kalamnan o minsan pagkalumpo.

Photo Source: http://www.nbcnews.com
Ang taong may Zika Vurs ay maaring magkaroon ng mga sumusunod na sintomas na tumatagal ng 2 hanggang 7 araw:
- Mahinang klaseng lagnat (mild fever)
- Pagkakaroon ng pantal sa balat (skin rash)
- Pamumula ng mga mata (conjunctivitis)
- Pananakit ng kalamnan at kasukasuan (muscle and joint pain)
- Pagkapagod (fatigue)
- Pananakit ng ulo (headache)
Para maiwasan ang Zika virus, pinapayuhan ng Department of Health na sundin ang mga sumusunod:
- Paggamit ng insect repellants
- Maayos na paggamit ng window and door screens
- Pananatiling malinis at walang stagnant water sa paligid
- Pagsasailalim sa diagnostic test kung may sintomas ng Zika virus
Ang Zika virus disease ay walang particular na gamot na maaring ilapat sa taong naapektuhan nito. Ang taong may Zika virus ay pinapayuhan na magpahinga, uminom ng madaming tubig, at uminom ng mga gamot para bumaba ang lagnat. Kung ang sintomas ay magpatuloy, magpunta sa pinakamalpit na health center sa inyong barangay upang mabigyan ng payo o attensyong medikal sa pagsugpo ng Zika virus.
Sources:
http://www.doh.gov.ph/node/5628
http://www.who.int/mediacentre/factsheets/zika/en/
http://www.webmd.com/a-to-z-guides/zika-virus-symptoms-prevention?page=1
http://www.reuters.com/article/us-health-zika-philippines-idUSKCN11B1D9