Sa pagdiriwang ng Breastfeeding Month, ang SafeBirth ay nagkaroon ng seminar noong August 27, 2016 sa UP Hotel sa Quezon City. Ito ay dinaluhan ng mga first time mommies, mga nanay na nais pang matuto sa tamang pagpapasuso at ng mga supportive tatay. Ang seminar na “Secrets to a Joyful Breastfeeding” ay pinangunahan ng mahusay na breastfeeding advocate na si Ms. Nona Andaya-Castillo. Sa seminar na ito ang mga nanay ay natutunan ang mga sumusunod:
- Proper latching
- Proper breastfeeding position
- Babywearing
- Do’s and don’ts of breastfeeding
- Ways to increase breastmilk
- Lactation massage
- Support system from the family
Naging masaya ang buong seminar dahil bukod sa kaalaman sa pagpapasuso, nakatanggap din ang mga dumalo ng mga papremyo at giveaways mula sa SafeBirth.
Ang Secrets to a Joyful Breastfeeding ay una lamang sa seminar series ng SafeBirth na may layuning makatulong sa mga nanay na maalagaan ang kani-kanilang pamilya.